Kahit Ayaw Mo Na - This Band

Kahit Ayaw Mo Na - This Band



The official music video of “Kahit Ayaw Mo Na” by This Band.

LYRICS:

Kahit ikaw ay magalit
Sa ’yo lang lalapit, sa ’yo lang aawit
Kahit na ikaw ay nagbago na
Iibigin pa rin kita kahit ayaw mo na
Tatakbo, tatalon
Isisigaw ang pangalan mo
Iisipin na lang panaginip lahat ng ito

O, bakit ba kailangan pang umalis
Pakiusap lang na ‘wag ka nang lumihis
Tayo’y mag-usap, teka lang, ika’y huminto
‘Wag mo ‘kong iwan, aayusin natin ‘to
Ang daling sabihin na ayaw mo na
Pero pinag-isipan mo ba

Lapit nang lapit, ako’y lalapit
Layo nang layo ba’t ka lumalayo
Labo nang labo, ika’y malabo
Malabo, tayo’y malabo

Bumalik, at muli ka ring aalis
Tatakbo ka nang mabilis, yayakapin nang mahigpit
Ang hirap ‘pag ‘di mo alam ang ‘yong pupuntahan
Kung ako ba ay pagbibigyan, o nalilito lang kung saan
Tatakbo, tatalon
Isisigaw ang pangalan mo
Iisipin na lang panaginip lahat ng ito

O, bakit ba kailangan pang umalis
Pakiusap lang na ‘wag ka nang lumihis
Tayo’y mag-usap, teka lang, ika’y huminto
‘Wag mo ‘kong iwan, aayusin natin ‘to
Ang daling sabihin na ayaw mo na
Pero pinag-isipan mo ba

Lapit nang lapit, ako’y lalapit
Layo nang layo ba’t ka lumalayo
Labo nang labo, ika’y malabo
Malabo, tayo’y malabo
Lapit nang lapit, ako’y lalapit
Layo nang layo ba’t ka lumalayo
Labo nang labo, ika’y malabo
Malabo

O, bakit ba kailangan pang umalis
Pakiusap lang na ‘wag ka nang lumihis
Tayo’y mag-usap, teka lang, ika’y huminto
‘Wag mo ‘kong iwan, aayusin natin ‘to
Ang daling sabihin na ayaw mo na
Pero pinag-isipan mo ba

Kahit ikaw ay magalit
Sa ’yo lang lalapit
Kahit ‘di ka na sa ’kin
Copyright © One Music - OPM Music Video Database | Distributed by Blogger Templates | Designed by OddThemes